Anim na mag-aaral ng CoAgri, lumahok sa Summer Course Program sa Malaysia

Anim na mag-aaral ng Bachelor of Science in Agriculture mula sa Nueva Ecija University of Science and Technology (NEUST) ang sumabak sa “Sustainable Agroindustry in Rural Areas” Summer Course Program sa Universiti Putra Malaysia (UPM) mula Hulyo 27 hanggang Agosto 1, 2025.

Nagsimula ang programa sa online na sesyon noong Hulyo 15, na naglalayong paunlarin ang kaalaman, pagpapalitan ng kultura, at pandaigdigang kolaborasyon sa larangan ng agrikultura.

Kabilang sa mga delegado ng NEUST sina Rayzel Ann Casamis, Nash Respicio, Jim Windell Marquez, Justine Rivera, Jeffrey Reyes, at Romar Sanqui, na sumailalim sa mga field immersion upang matuto tungkol sa sustainable farming practices at iba’t ibang modelo ng agro-industriya.

Kasama rin nila si Rayjulius Felix, isang guro mula sa NEUST College of Agriculture, na nakibahagi sa mga pulong dinaluhan ng kinatawan ng iba’t ibang unibersidad sa Asya upang talakayin ang posibleng pakikipagtulungan sa hinaharap.

Sa loob ng limang araw, dinaluhan ng mga delegado mula sa Indonesia, Vietnam, at Pilipinas ang mga lektura, pagbisita sa mga pasilidad pang-agrikultura at industriya, panayam sa UPM, at city tour sa Kuala Lumpur, kasama ang iba’t ibang aktibidad pangkultura.

#NEUSTGLOBAL #NEUSTCoAgri #NEUSTInternationalization #SDG4QualityEducation #SDG17PartnershipsForTheGoals