Isang komprehensibong oryentasyon ang isinagawa ng NEUST Office of Student Affairs and Services (OSAS) nitong Agosto 5 na ginanap sa himnasyo ng NEUST Sumacab Campus, bilang pagsalubong sa mga bagong mag-aaral ng unibersidad para sa panuruang taon 2025–2026.
Layunin ng aktibidad na ipabatid sa mga estudyante ang mga programang susuporta sa kanilang pag-unlad sa akademya, pakikipagkapwa, at kahandaan sa global na pamumuno sa ilalim ng Global Sustainable Goals (GSDGs) at SDG framework ng NEUST.
Sa ilalim ng temang “Forging a Global Future through Holistic Education”, layunin ng programa na ipakilala sa mga mag-aaral ang mga polisiya, serbisyo, at pandaigdigang adbokasiya na bahagi ng pangunahing tungkulin ng NEUST.
Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ni Dr. Rhodora Jugo, Pangulo ng Unibersidad ang kahalagahan ng paghubog ng isipan, puso, at kakayahang mamuno sa kinabukasan.
“Bilang kabataan ng kasalukuyang panahon, kayo rin ang magiging leader ng kinabukasan, gamitin ninyo ang inyong tinig, upang itaguyod ang katotohanan, katarungan at kapayapaan sa loob at labas ng Pamantasan,” saad niya.
Binigyang-pansin din ng pangulo ang kolektibong pananagutan ng bawat miyembro ng Pamantasan sa pagpapanatili ng NEUST bilang isang tahanang may malasakit, pagkakaisa, at sabayang pag-unlad.
“Huwag ninyong kalilimutan na ang tunay na tagumpay ay hindi lamang nasusukat sa dami ng medalya o sa taas na grado, kundi sa kung paano ninyo ginamit ang inyong talino at puso upang makalikha ng pagbabago.”
Pangunahing bahagi ng oryentasyon ang pagtalakay sa mga serbisyong pang mag-aaral sa ilalim ng Student Welfare, Student Development, at Institutional Student Programs and Services.
Sa oryentasyon, tinalakay naman ng mga pinuno at kinatawan ng tanggapan ang mga serbisyong pang mag-aaral sa ilalim ng Student Welfare, Student Development, at Institutional Student Programs and Services.
Kabilang sa mga tanggapan ng unibersidad na nagbahagi ng diskurso ang Planning and Development Office, Guidance and Counseling Office, Psychological Testing Office, OJT and Career Development Office, Alumni and Placement Services Office, Student Organizations, Activities and Development Office, Scholarship and Financial Assistance Office, Student Research and Extension Office, Health Services Unit, Civil Security Unit, Moral Recovery and Spiritual Uplift Program, Sports Development Office, University Library, Gender and Development Office, International Affairs Office, Literary, Culture, and the Arts Development Center, at Dormitory Management Office.
Sampu ng mga opisyal at guro mula sa iba’t ibang kolehiyo at departamento ng Pamantasan, ang unang araw ng oryentasyon ay dinaluhan ng mga bagong mag-aaral ng General Tinio Street Campus at Sumacab Campus.
Kasalukuyang isinasagawa ang programa ngayong araw, Agosto 6, para sa mga estudyanteng papasok sa Gabaldon Campus, at magpapatuloy sa Agosto 7 sa San Isidro Campus, at sa Agosto 8 naman ay gaganapin sa Atate at Fort Magsaysay Campus.
#NEUSTGLOBAL
#SDG4QualityEducation #SDG3GoodHealthAndWell-Being #SDG4QualityEducation
#SDG5GenderEquality #SDG8DecentWorkAndEconomicGrowth #SDG10ReducedInequalities
#SDG11SustainableCitiesAndCommunities #SDG12ResponsibleConsumptionAndProduction
#SDG16PeaceJusticeAndStrongInstitutions #SDG17PartnershipsForTheGoals