Ang Nueva Ecija University of Science and Technology (NEUST) Office of the Vice President for Research, Extension, and Training (OVPRET) sa pamamagitan ng University Training Department ay nagsagawa ng pagsasanay ukol sa mga makabagong teknohiyang makatutulog sa pagpapayabong ng industriya ng sibuyas noong Agosto 5β6, 2025 sa Villa Mercedes, Gabaldon, Nueva Ecija.
Sa ilalim ng temang βForesight in Action: Navigating Emerging Technologies through Strategic Forecasting in the Onion Industryβ, layunin ng pagtitipon na palalimin ang kaalaman ng mga kalahok sa strategic forecasting, at mapalakas ang implementasyon ng Project Onion ng unibersidad.
Dinaluhan ito ng mga miyembro ng Onion Team at Emerging Technology Core Team, at ilang kinatawan mula sa ibaβt ibang opisina at departamento ng unibersidad na sumali sa pamamagitan ng onlayn na plataporma.
Sa kaniyang mensahe, ipinahayag ng Pangulo ng Pamantasan na si Dr. Rhodora Jugo ang suportang handang ibigay ng unibersidad sa mga mas malalalim na pag-aaral na ginagawa ng Research, Extension, and Training (RET) department.
βWe support all the plans, all the programs and activities of RET, and with all of you as our contributory workforce for our accomplishment in the RET department,β aniya.
Binigyang-diin din niya na ang pagkakaisa at aktibong partisipasyon ng bawat miyembro ng unibersidad ang susi sa matagumpay na pagpapatupad ng mga inisyatibo tungo sa makabagong pananaliksik at pag-unlad ng industriya ng sibuyas.
Nagbigay din ng mensahe si Vice President for Research, Extension, and Training Dr. Jean N. Guillasper, na nagpapahayag ng positibong epekto ng pagsasanay sa pagpapaunlad ng nasabing industriya.
Ayon sa kanya, βI’m confident that by the end of this seminar, we’ll be able to have a clearer vision of the future of the onion industry, a future that is more resilient, more profitable, and more sustainable for everyone, especially for our onion farmers. Let us embrace innovation, strengthen our strategies, and work towards a resilient and sustainable onion industry.β
Bilang mga panauhing pandangal at tagapagsanay ay nagbahagi ng kanilang kaalaman sina Ronaldin Bauat ng College of Information and Communications Technology, Dr. Guanru Feng at Engr. April Luo Xinqi mula sa SpinQ Technology, Dr. Marlon Torres, Direktor ng NEUST Management Information Systems, at Abraham Avila Jr. na mula naman sa DataSense Analytics.
Ang mga pagsasanay ay nakasentro sa mga umuusbong na ibaβt ibang teknolohiyang ginagamit upang mas mapaganda ang produksyon ng sibuyas at maaari ring magamit sa iba pang siyentipikong pag-aaral gaya ng Horizon Scanning and Emerging Technologies, Emerging in Onion Industry Technologies, Quantum Computing Applications and Solutions, Data-Driven Governance and Forecasting using AI, at Analytics and AI using Power BI and ChatGPT.
Bilang pangwakas, pinasalamatan ni Dr. Marilou Pascual ang lahat ng kalahok at nag-iwan ng paalala, βLet us carry forward the knowledge weβve gained and continue to work together to transform the onion industry into a more resilient, sustainable, and technology-enabled sector.β
#NEUSTGlobal
#NEUSTOVPRET
#SDG2ZeroHunger
#SDG9IndustryInnovationAndInfrastructure
#SDG17PartnershipsForTheGoals
#NEUSTResearchExtensionAndTraining