Bilang kinatawan ng Nueva Ecija University of Science and Technology (NEUST) at kasapi ng Advisory Board ng Central Luzon Health Research and Development Consortium (CLHRDC), dumalo si Dr. Rhodora Jugo, Pangulo ng Pamantasan, sa ginanap na pagpupulong ng nasabing samahan noong Hulyo 31, 2025, sa SMX Convention Center Clark, Mabalacat City, Pampanga.

Ang nasabing pagpupulong na pinangunahan ni Dr. Julius Caesar Sicat, ang Regional Director ng Department of Science and Technology (DOST) at dinaluhan ng mga institusyong kasapi ng consortium ay bahagi ng patuloy na inisyatibo ng CLHRDC upang palalimin ang ugnayan at pagtutulungan ng mga kasaping institusyon sa larangan ng pananaliksik ukol sa kalusugan, na may layuning mapabuti ang kalidad ng buhay at kalusugan ng mga mamamayan sa Gitnang Luzon at sa buong bansa.

Kasama ni Dr. Jugo sa pagtitipon sina Dr. Jean Guillasper, Pangalawang Pangulo ng NEUST para sa Research, Extension, and Training, at Dr. Marilene Hipolito, Direktor ng Research Departmentβ€”mga itinuturing na haligi ng pananaliksik sa unibersidad na patuloy na nagbibigay-suporta sa mga programang pangkalusugan at pang-agham.

Inaasahan ang mas pinaigting na kolaborasyon ng consortium sa mga susunod na buwan sa pamamagitan ng mga bagong pagpupulong, inisyatiba, at proyekto na naglalayong palakasin pa ang adbokasiya para sa makabuluhang health research sa rehiyon.

#NEUSTGLOBAL
#CLHRDC
#HealthResearch
#SDG3GoodHealthAndWellBeing
#SDG4QualityEducation
#SDG17PartnershipsForTheGoals