“Education isn’t built alone. It grows when people come together, share ideas, and work toward a shared vision. Through power and influence, let us shape education that improves communities and inspires the next generations.”

Ito ang mensahe ni Dr. Rhodora Jugo, Pangulo ng Nueva Ecija University of Science and Technology (NEUST), bilang panauhing pandangal ngayong araw sa International Conference on Educational Governance, Policy, and Leadership (ICEGPL) na inorganisa ng Universitas Muhammadiyah Kendari (UM Kendari), Indonesia katuwang ang NEUST San Isidro Campus (SIC).

Nagsisilbing plataporma ang ICEGPL sa mga institusyon upang talakayin ang mga paksa kaugnay ng pamamahala sa edukasyon, paggawa ng patakaran, at pamumuno sa pandaigdigang konteksto.

Bilang katuwang ng UM Kendari, ilalahad ng mga guro mula NEUST SIC ang resulta ng kanilang pananaliksik na tumatalakay sa mga paksang pang-akademiko.

Taong 2021 nang mag-umpisa ang ugnayan sa pagitan ng NEUST at UM Kendari sa pagsusulong ng mga oportunidad pang-akademiko, kabilang ang student and faculty exchange, research collaboration, at iba pang gawaing nakatuon sa internasyonal na pagpapalawak ng kaalaman at kultura.

#NEUSTGLOBAL
#SDG4QualityEducation
#SDG17PartnershipsForTheGoals