Pangulong Jugo, nakipagtalastasan sa mga lider-estudyante
Nakipagdayalogo si Dr. Rhodora Jugo, Pangulo ng Nueva Ecija University of Science and Technology (NEUST), sa mga estudyanteng lider sa ginanap na “Bridge: A Leadership Talk with the University President” noong Hulyo 30, 2025, sa CLPC Hall, Mini Convention Center, Sumacab Campus.
Ang aktibidad na bahagi ng ika-28 Annual Leadership Training Course (ALTC) na inorganisa ng University Student Government (USG), ay naglalayong magbukas ng komunikasyon sa pagitan ng administrasyon at mga mag-aaral.
Humigit-kumulang 300 estudyanteng lider mula sa iba’t ibang departamento, satellite at off-campus, at mga organisasyong pampamantasan, kasama ang kanilang mga tagapayo, ang dumalo sa nasabing sesyon.
Tinalakay ni Dr. Jugo ang mga hinaing, katanungan, at mungkahi ng mga mag-aaral kaugnay ng mga patakaran ng unibersidad, kung saan nagbigay siya ng malinaw at tuwirang kasagutan.
Nagkaroon din ng pagkakataon ang mga kalahok na magpahayag ng kanilang feedback at humingi ng linaw sa mga usaping pang-akademiko at pampaaralan.
Kabilang sa mga dumalo sina Dr. Ma. Lourdes Quijano, Dekana ng Office of Student Affairs and Services (OSAS); Dr. Racquel Pula, Pinuno ng Office of Student Organizations, Activities, and Development (OSOAD); John Sebastian Mangilin, Pangulo ng USG; at mga tagapayo ng USG.
Ang inisyatibong “The Bridge” ay nagpapakita ng dedikasyon ng NEUST sa inklusibong pamamahala, tinitiyak na ang mga estudyante ay aktibong kasangkot sa paghubog ng mga patakaran ng pamantasan.
#NEUSTGLOBAL #NEUSTOSAS #NEUSTOSOAD #NEUSTUSG #USG28ALTC #TheBridge #SDG3GoodHealthAndWellBeing #SDG4QualityEducation #SDG5GenderEquality #SDG9IndustryInnovationAndInfrastructure #SDG10ReducedInequalities #SDG16PeaceJusticeAndStrongInstitutions #SDG17PartnershipsForTheGoals