“Ang ating Pamantasan ay hindi lamang maglilinang ng kaisipan, kundi mag-aalaga rin ng puso at mangunguna tungo sa maliwanag na kinabukasan.”
Ito ang mensahe ni Dr. Rhodora Jugo, Pangulo ng NEUST, sa ginanap na pagtataas ng watawat ng Pilipinas para sa taong panuruan 2025–2026, kasabay ng pagbubukas ng klase ngayong Agosto 11, 2025.
Nakasentro ang seremonya sa mahalagang papel ng mga guro at kawani sa paghubog ng kinabukasan ng mga iskolar ng bayan, gayundin sa pagpapalalim ng pagmamahal sa bayan, kultura, at sariling wika.
Dinaluhan ito ng mga opisyal, guro, kawani, at mag-aaral ng Pamantasan.
#NEUSTGLOBAL