NEUST, CDC nagkasundo sa pagdeploy ng OJT at intern sa Clark Freeport Zone
Upang punan ang agwat sa pagitan ng pag-aaral sa silid-aralan at mga pangangailangan ng industriya, pormal na nagkaisa ang Nueva Ecija University of Science and Technology (NEUST) at ang Clark Development Corporation (CDC) sa pamamagitan ng isang Memorandum of Agreement (MOA) upang matiyak na makakakuha ng pagsasanay sa industriya ang mga mag-aaral.
Ang kasunduang nilagdaan nina NEUST President Dr. Rhodora Jugo at CDC President at CEO Atty. Agnes Devanadera noong Agosto 8, 2025, sa Clark Visitors Center, Clark Freeport Zone (CFZ), Pampanga, ay magbibigay-daan sa mga estudyante na sumailalim sa On-the-Job Training (OJT) at internship sa loob ng CFZ upang matuto sa aktuwal na mga gawain na kaugnay ng kanilang mga kurso.
Sa kanyang pahayag, binigyang-diin ni Dr. Jugo ang kahalagahan ng hands-on learning bilang bahagi ng akademikong sistema ng unibersidad. “This partnership with CDC opens doors for our students to gain invaluable exposure to industry practices and professional standards,” pahayag niya.
Pinatunayan naman ni Atty. Devanadera ang suporta ng CDC sa edukasyon at pagpapaunlad ng lakas-paggawa. “Investing in the next generation of professionals is part of CDC’s mission. We are proud to provide an environment where students can thrive, contribute, and grow,” ani niya.
Dumalo rin sa okasyon ang mga pangunahing opisyal ng NEUST, kabilang sina Dir. Randy Bañez ng OJT and Career Development Center; Dr. Sarah Alvarez, Dekana ng College of Management and Business Technology (CMBT); Dr. Arnold Dela Cruz, Dekano ng College of Information and Communication Technology (CICT); Prof. Marcelo Bulalayao, Dekano ng College of Industrial Technology (CIT); Dr. Rosemarie Casimiro, Dekana ng College of Public Administration and Disaster Management (CPADM); Engr. Jeric Aduna, Dekano ng College of Engineering (CPADM); Dr. Janice Cucio, Program Chair ng CMBT-Business Administration; at Dr. Ma. Cecilia Reyes, Program Chair ng CMBT-Hospitality and Tourism Management.
Binibigyang-pansin ng MOA ang pagpapalakas ng ugnayan ng publiko at pribadong sektor upang mahubog ang mga mag-aaral sa mga kasanayang hinahanap sa trabaho, alinsunod sa adhikain ng gobyerno na bumuo ng isang mas kompetitibo at sanay na manggagawa.
#NEUSTGLOBAL #NEUSTOJTCDC #NEUSTxCDC #SDG4QualityEducation #SDG8DecentWorkAndEconomicGrowth #IndustryInnovationAndInfrastructure #SDG17PartnershipsForTheGoals