Ang Opisina ng OJT and Career Development Center, sa pamumuno ni Direktor Randy Baรฑez, at ang Alumni and Placement Office, na pinamumunuan ni Dr. Filip Carlo Bolisay, ay nakipagtulungan sa Wadhwani Foundation upang magsagawa ng isang training workshop na naglalayong bigyan ang mga guro ng mas pinahusay na kaalaman, estratehiya, at kasanayan sa pagtuturo ng On-the-Job Training (OJT) at mga asignaturang may kinalaman sa pagnenegosyo.

Nilalayon ng palihan na magbigay sa mga guro ng praktikal na kasanayan para sa mas mahusay na paggabay sa mga estudyante sa paggamit ng kanilang natutunan sa mga tunay na sitwasyon sa trabaho.

Inihayag ni Dr. Feliciana Jacoba, Pangalawang Pangulo para sa Akademikong Gawain ng NEUST, ang layunin ng programa at kahalagahan nito sa pagpapalawak ng propesyonal na kakayahan ng mga dumalong guro.

Sa kanyang mensahe, ipinaabot naman ni Dr. Rhodora Jugo, Pangulo ng Pamantasan, ang kanyang suporta sa inisyatiba at binigyang-diin ang kahalagahan ng tuloy-tuloy na pagpapaunlad ng kaguruan para sa akademya at tagumpay ng mga estudyante.

โ€œSa ating pamantasan, isa ang OJT na nais nating mas bigyang-pansin sa pamamagitan ng hybrid training of trainers kagaya ng programang ito. Buong puso kaming nagpapasalamat sa Wadhwani Foundation sa kanilang mahalagang pakikipagtulungan para maisakatuparan ang programang ito,โ€ wika niya.

Isinagawa ang unang sesyon ng โ€œTraining of Trainersโ€ para sa mga guro na humahawak ng OJT subjects mula Agosto 4 hanggang 6, na pinangunahan nina Amormia Rhodora Rosales, WSN Senior Program Manager, at Edward Shiener Landoy, Senior Partnerships Associate mula sa Wadhwani Foundation.

โ€œBilang bahagi ng ating paghahanda sa mas malawak na mundo ng trabaho, napakahalaga ng On-the-Job Training o OJT para sa ating mga estudyante. Sa pamamagitan nito, hindi lamang tayo natututo ng mga kaalaman sa loob ng silid-aralan, kundi naipapakita rin natin kung paano ito isinasabuhay sa tunay na gawain,โ€ ani Mr. Edward Landoy.

Dumaan naman ang ikalawang pangkat ng mga kalahok sa Entrepreneurship Network Program mula Agosto 6 hanggang 7, na nakatuon sa pagpapalakas ng kakayahan sa pangnegosyo, pagpapalago ng inobasyon, at pagpapatibay ng kolaborasyon sa hanay ng mga guroโ€“ na pinangunahan nina Matt Rodnie Matias, senior consultant; Pamel Go, entrepreneurship educator; at Lucrecio Delgado, Country Directorโ€“PH ng Wadhwani Foundation.

Pormal na nagtapos ang programa sa pamamagitan ng pagsusuri ng mga ideyang ipinresenta ng mga kalahok upang higit pang malinang ang kanilang mga pamamaraan.

#NEUSTGLOBAL
#SDG4QualityEducation
#SDG8DecentWorkAndEconomicGrowth
#SDG9IndustryInnovationandInfrastructure