๐๐๐๐ข๐๐ข๐ฅ, ๐ฃ๐ฎ๐บ๐ฝ๐ฎ๐ป๐ด๐ฎ โ High commendation ang naging pagtanggap sa Presidentโs Report ni Dr. Rhodora Jugo matapos itong ipresenta sa Second Quarter Board Meeting ng NEUST Governing Board sa pangunguna ni Dr. Desiderio Apag, Commissioner ng Commission on Higher Education (CHED), nitong Agosto 12, 2025 sa CHED Regional Office III.
Inilahad sa ulat ni Pangulong Jugo ang mga nagawa ng Pamantasan simula Abril hanggang Hulyo nitong taon kung saan binigyang-diin ang mga naipatupad na proyekto at programa kaugnay ng pagtuturo, pananaliksik, ekstensiyon, pagsasanay, mga gawaing pang-mag-aaral, at inisyatibang pang-internasyonal.
Sa mosyon ni Dr. Julius Caesar Sicat, Regional Director ng Department of Science and Technology (DOST) Region III, inilahad niya sa BOR ang pagtanggap sa naturang ulat na may mataas na pagpupugay.
Samantala, pormal ring nanumpa si John Sebastian Mangilin bilang Student Regent habang binigyan naman ng pagkilala si Dan Richard Dela Cruz para sa serbisyo nito bilang Pangulo ng University Student Government.
Kabilang rin sa mga dumalo sa BOR meeting sina Dr. Teodoro Gatchalian, Undersecretary ng DOST; Dr. Lora Yusi, Director IV, CHED Regional Office III; Dr. Nerrisa Esguerra, Direktor ng Department of Economy, Planning, and Development (DEPDev) III; Dr. Eduardo Lapuz Jr., Director ng Department of Agriculture (DA) III; Dr. Lino Fe Aglubat, Faculty Regent; Engr. Feliciano Bolisay, Alumni Regent; at Dr. Franklin Dumayas, Kalihim ng BOR.
