BALITANG PANGKAMPUS | NEUST Dormitory, tahanan ng disiplina, kaayusan
Isang huwarang tirahan para sa mga mag-aaral kung maituturing ang Nueva Ecija University of Science and Technology (NEUST) Dormitory dahil layunin nitong pagsamahin ang akademikong tagumpay at personal na disiplina.
Hindi lamang tirahan, kundi isang lugar din ang NEUST Dormitory na humuhubog sa karakter ng mga mag-aaral na maging responsableng indibidwal, handa sa hamon ng akademikong buhay at sa mas malawak na lipunan.
“Hindi lang kalinisan ng paligid ang mahalaga, kundi pati disiplina sa loob ng dormitoryo. Gusto naming masigurong maayos at ligtas ang paninirahan dito ng ating mga estudyante,” pahayag ni Engr. Ralph Puno, Head ng Dormitory Management Office.
Nitong Agosto 10, 2025, nagkaisa ang 36 na dormers sa Sumacab Campus ng NEUST sa isang malawakang paglilinis at oryentasyon bilang paghahanda sa pagbubukas ng klase noong Agosto 11.
Bukod sa mga bagong comfort rooms at CCTV cameras na nakalagay sa mga hallway upang mapanatili ang seguridad ng lahat, may mga nakalatag ring plano para sa karagdagang kwarto upang tugunan ang lumalaking bilang ng mga estudyanteng nais manatili sa loob ng campus.
Sa ganitong paraan, patuloy na pinapakita ng NEUST Dormitory ang pagiging huwaran sa kaayusan, seguridad, at disiplina, na nagbibigay ng inspirasyon sa mga mag-aaral na magsikap hindi lamang sa akademiko kundi pati na rin sa paghubog ng kanilang pagkatao at pagiging handa sa hamon ng buhay.
#SDG4QualityEducation
#SDG11SustainableCommunities
#SDG3GoodHealthAndWellBeing
#SDG9IndustryInnovationAndInfrastructure