Bilang paghahanda sa nalalapit na Level IV accreditation para sa mga programang Doctor of Philosophy in Public Administration at Bachelor of Science in Criminology, Bachelor of Science in Chemistry, at Bachelor of Science in Architecture, isinagawa ng Local Accreditation Team ng Quality Assurance (QA) Office ng Nueva Ecija University of Science and Technology (NEUST) ang Dry Run of Activities at Video Presentations ngayong Agosto 18, 2025.

Layunin ng nasabing dry run na tiyakin ang kahandaan ng unibersidad para sa formal accreditation visit na itinakdang ganapin sa Setyembre 24–26, 2025.

Ang aktibidad ay pinangunahan ni Dr. Feliciana Jacoba, Vice President for Academic Affairs, kasama sina Dr. Analyn Gamit, QA Director; Dr. Angelo Santos, Head of Local and International Accreditation; Dr. Maria Cristina Ferrer, Head ng Social and Behavioral Sciences Department (SBSD); at Dr. Ofelia Bawan, Head ng Learning and Development Office—na tumayo bilang mga local accreditors.

Ilan sa mahahalagang rekomendasyong inilabas ng panel ang mas matinding pagbibigay-diin sa impact ng mga programa, lalo na sa aspeto ng internationalization at community service, gayundin sa documented outputs gaya ng completed research at graduates’ employability.

Inaasahang maisasagawa ang mga inirekomendang pagpapabuti at maisusumite ang mga kaukulang dokumento sa loob ng susunod na linggo, bilang paghahanda sa darating na opisyal na accreditation.

#SDG4QualityEducation
#SDG8DecentWorkAndEconomicGrowth
#SDG9IndustryInnovationAndInfrastructure
#SDG11SustainableCitiesAndCommunities
#SDG17PartnershipsForTheGoals