Pormal nang inilunsad ngayong Agosto 18, 2025, ang unang araw ng Region III Online Board Licensure Examination for Professional Teachers (BLEPT) Review Program, isang inisyatibang pinangungunahan ng State Universities and Colleges Teacher Educators Association (SUCTEA), Incorporated – Central Luzon Chapter, katuwang ang Commission on Higher Education (CHED) Region III.

Ang programang tinaguriang β€œProject TALAβ€”Guiding Light for Future Educators” ay naglalayong magbigay ng libre at komprehensibong rebyu para sa mga estudyante at alumni ng mga SUCs na inaasahang kukuha ng Licensure Examination for Teachers sa darating na Setyembre 21, 2025.

Tinatayang mahigit 80 subject experts at 20 master reviewers ang lumahok sa programa, kasama ng mahigit 120 reviewees mula sa 11 State Universities and Colleges (SUCs) ng Gitnang Luzon, pati na rin mula sa iba pang institusyon at indibidwal na nagnanais makinabang sa libreng review program na ito.

Ang review program ay nakatakdang magpatuloy hanggang Setyembre 12, 2025, na kinabibilangan ng Mock Board sessions at Final Coaching upang higit pang maihanda ang mga kalahok sa aktwal na pagsusulit.

Ang aktibidad na ito ay pinangunahan ng mga guro mula sa NEUST College of Education (COED) sa pamumuno ni Dr. Jo Niel Peria, dekano ng COED at Board of Trustee ng SUCTEA Inc. Central Luzon Chapter, kasama sina Dr. Angelica Cortez at Dr. Glenda Magno, Chairperson at Vice Chairperson ng samahan.

Patuloy na isinusulong ng Project TALA ang dekalidad na paghahanda para sa mga future educators ng bansa, sa layuning makapasa at maging ganap na mga lisensyadong guro ang mga kalahok, saanmang panig ng Pilipinas sila naroroon.

#NEUSTGlobal
#NEUSTCOED
#ProjectTALA
#SDG4QualityEducation
#SDG17PartnershipsForTheGoals