Ang Nueva Ecija University of Science and Technology (NEUST) ay naging katuwang ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) sa pagsusulong ng Yaman ng Kalusugan Program para Malayo sa Sakit (YAKAP), isang pambansang programang naglalayong palawakin ang benepisyong pangkalusugan para sa lahat ng Pilipino.

Ginanap ang programa noong Agosto 19, 2025, sa NEUST Main Campus sa ilalim ng pangangasiwa ng PhilHealth Regional Office III.

Layunin ng YAKAP na mapalawak ang primary care benefit package sa pamamagitan ng pagbibigay ng libreng konsultasyon, mga laboratoryo, at screening tests upang maisulong ang preventive healthcare at maagang pagtukoy ng mga karamdaman.

Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ni Atty. Bembol Castillo, NEUST Vice President for Administration, Business & Finance at Legal Officer, ang kahalagahan ng programa at ng pagiging miyembro ng PhilHealth.

Ayon sa kanya, β€œAng pagiging miyembro ninyo ng PhilHealth ay libre, at lahat ng benepisyong tinatanggap ng isang miyembro ay matatanggap ninyo rin. Sa programang ito, yayakapin tayo ng PhilHealth, yayakapin tayo ng gobyerno, at bibigyan tayo ng libreng serbisyo sa pamamagitan ng YAKAP program.”

Kasunod nito, nagpahayag ng pasasalamat si Henry Almazan, Pangalawang Pangulo ng PhilHealth Region III, sa pamunuan at komunidad ng NEUST sa pagbibigay ng pagkakataon na maibahagi ang layunin ng YAKAP sa mga mag-aaral at kawani.

Binigyang-diin niya ang kahalagahan ng preventive healthcare at ang pagpapanatili ng mabuting kalusugan bilang mga miyembro ng PhilHealth.

Aniya, β€œSa pakikipag-partner namin sa mga unibersidad, sinisiguro namin na lahat ng preventive healthcare ay available para sa inyo. May nakalaan na budget para sa konsultasyon at basic laboratories, para sa gamot, at walong cancer screenings lalo na para sa mga kababaihan. Gayunpaman, mas mainam pa rin na kahit miyembro tayo ay hindi natin magamit ang mga itoβ€”kailangan manatiling malusog tayo.”

Samantala, hinikayat ni NEUST President Dr. Rhodora Jugo ang mga estudyante na magparehistro bilang miyembro ng PhilHealth.

Ayon sa kanya, β€œNaniniwala ako na ang kalusugan ang susi sa kaunlaran. Kailangan manatiling malusog tayo dahil mas nagiging bukas ang pintuan tungo sa mga oportunidad, mas nagiging produktibo sa paggawa, at higit na napapanday ang ating mga pangarap.”

Dumalo rin sa programa sina Dr. Feliciana Jacoba, Pangalawang Pangulo para sa Academic Affairs; Myra Concepcion, Chief Administrative Officer for Administration; Eduardo Guillasper Jr., Chief Administrative Officer for Finance; Jenna Kristel Illustre, Human Resource Management Officer III; at Dr. Margarita Belinda Gamilla, University Physician. Mula naman sa Local Health Insurance Office (Cabanatuan), dumalo si Mr. Marvy Robledo, Head ng LHIO, kasama ang iba pang mga kawani.

Nagtapos ang programa sa pamamagitan ng libreng health screenings at on-site PhilHealth registration na aktibong nilahukan ng mga mag-aaral mula sa iba’t ibang kolehiyo ng NEUST.

#NEUSTGlobal
#SDG1NoPoverty
#SDG3GoodHealthandWellbeing
#SDG4QualityEducation
#SDG10ReducedInequalities
#SDG17PartnershipfortheGoals