11 NEUSTians, ganap nang Inhinyero Mekanikal
Labing-isang nagsipagtapos mula sa College of Engineering ng Nueva Ecija University of Science and Technology (NEUST) ang nakapasa sa idinaos na Mechanical Engineers Licensure Examination nitong Agosto 2025, batay sa anunsiyo ng Professional Regulation Commission (PRC) apat na araw matapos ang pagsusulit.
Ayon sa opisyal na ulat, pito sa labing-isang pumasa mula sa NEUST ay unang beses pa lamang kumuha ng pagsusulit at nagkamit ng 43.75 na antas ng pagpasa.
Samantala, ang kabuuang institusyonal na bahagdan ng pamantasan ay naitala sa 35.48 porsyento, na mas mababa sa pambansang antas na 40.81 porsyento.
Ang administrasyon ng pamantasan at buong komunidad ng NEUST ay nagpapahayag ng pagmamalaki sa tagumpay ng mga bagong inhinyero.
Pagbati sa inyong lahat, mga bagong Inhinyero Mekanikal!
#NEUSTGLOBAL #NEUSTCOE #NEUSTMEDepartment #August2025MELE #SDG4QualityEducation