โ€œBy transcending boundaries and valuing every voice, NEUST stands with ASEAN in building an inclusive, sustainable, and globally connected future where no one is left behind,โ€ ito ang naging pahayag ni Dr. Rhodora Jugo, Pangulo ng NEUST, sa pagdiriwang ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) 2025 na may temang โ€œBuilding an Inclusive and Sustainable Communityโ€ noong Agosto 22โ€“23, 2025 sa NEUST Sumacab Campus.

Nagtipon-tipon ang mga guro, mag-aaral, at panauhin mula sa ibaโ€™t ibang ASEAN partner institutions sa dalawang araw na pagdiriwang na nagpakita ng yaman ng kultura, galing sa akademya, at sama-samang adhikain tungo sa mas inklusibo at napapanatiling kinabukasan.

Tampok sa unang araw ang spoken poetry, musikang inalay ng NEUST Rondalla, at mga tradisyonal na sayaw ng NEUST Folkloric Society at Bachelor of Physical Education (BPED) students tulad ng Jota Manileรฑa, Zapin Ya Maulid ng Malaysia, at Hat Dance mula Vietnam.

Sa kanyang mensahe, inihayag ni Atty. Eric G. Claudio, Direktor ng International Affairs Office, โ€œToday, we reaffirm our commitment to the ASEAN community which guides our efforts to build a community that is people-centered, responsive to the needs of our citizens and committed to sustainable development.โ€

Nagbigay rin ng mensahe ang mga panauhing tagapagsalita mula sa ASEAN partner institutions na sina Dr. Ali Sorayyaei Azar ng University of Malaya at Dr. Danty James ng Suan Sunandha Rajabhat University.

โ€œAs educators and learners, it is our shared responsibility to rebuild and strengthen inclusivity and sustainability, guided by purpose and integrity, so that the ASEAN community may stand united and resilient for future generations,โ€ pahayag ni Dr. Ali.

โ€œWith partnership, inclusivity and sustainability cannot thrive without collaboration. Each ASEAN member has responsibility to contribute, sharing best practices, supporting regional frameworks and aligning national policies with ASEAN vision,โ€ mensahe naman ni Dr. James.

Kabilang sa mga tampok ng selebrasyon ang seremonyal na pagpirma ng Letter of Intent (LOI) sa pagitan ng NEUST at University of Malaya, na naglalayong higit pang patibayin ang kanilang ugnayan sa pamamagitan ng mas malalim na kolaborasyon sa pananaliksik, palitan ng kaalaman, at pinalawak na partisipasyong internasyonal.

Isang Research Collaboration Forum naman ang idinaos sa University Conference Room na dinaluhan ng piling kinatawan at guro mula sa ibaโ€™t ibang departamento, na naglalayong magbigay-daan sa talakayan at pagbabahaginan ng kaalaman, karanasan, at kasanayan nina Dr. Ali at Dr. James hinggil sa mga Scopus-indexed journals at sa mahalagang papel nito sa pananaliksik at pagpapatibay ng pandaigdigang akademiko.

Sa forum ay binigyang-diin ni Pangulong Jugo ang pamumuno at pamamahala sa mas mataas na edukasyon sa ASEAN ay umuunlad upang yakapin ang mga oportunidad ng cultural diversity, AI-driven strategies, at pandaigdigang ugnayan.

โ€œWhat was once seen as a source of division is now a strength. At NEUST, we embed inclusivity, sustainability, and technological innovation into our programs so that education becomes a powerful bridge that transcends boundaries and prepares a compassionate and visionary ASEAN community,โ€ aniya.

Sa ikalawang araw ay nagpatuloy ang programa sa mga panayam pang-akademiko mula sa mga pangunahing tagapagsalita.

Tinalakay ni Dr. Azar ang โ€œFrom Concept to Publication: The Role of AI in Applied Linguistics Research.โ€

Ibinahagi naman ni Dr. James ang โ€œTransformational Leadership on ASEAN Higher Education: Navigating Inclusivity, Sustainability, and Global Collaborations.โ€

Matapos ang kanilang mga panayam, idinaos ang isang Open Forum kung saan nagkaroon ng palitan ng katanungan at kasagutan sa pagitan ng mga tagapagsalita at mga kalahok.

Nagbigay ito ng pagkakataon sa mga guro at mag-aaral na mas mapalalim ang kanilang pang-unawa at makakuha ng mahahalagang pananaw mula sa karanasan nina Dr. Ali at Dr. James.

Higit pa sa pagdiriwang ng kultura at akademya, ang selebrasyon na ito ay itinuturing bilang isa sa mga konkretong hakbang ng Pamantasan tungo sa isang mas matatag, inklusibo, at napapanatiling pagkakaisaโ€”na higit pang pinagtitibay sa pamamagitan ng pagpapalakas ng edukasyon at pagpapaigting ng pandaigdigang ugnayan sa ibaโ€™t ibang bansa.

#NEUSTGLOBAL
#ASEAN2025
#SDG4QualityEducation
#SDG5GenderEquality
#SDG10ReducedInequalities
#SDG11SustainableCitiesAndCommunities
#SDG16PeaceJusticeAndStrongInstitutions
#SDG17PartnershipsForTheGoals