Isinagawa ng Nueva Ecija Council of Personnel Officers (NECPO) ang isang seminar hinggil sa 2025 Rules on Administrative Cases in the Civil Service (RACCS) noong Agosto 23, 2025 sa Mini-Convention Center, NEUST Sumacab Campus.
Layunin ng bagong patakaran na maglatag ng mas malinaw na balangkas para sa due process, na nagsisiguro ng katarungan sa parehong disciplinary at non-disciplinary cases habang pinangangalagaan ang karapatan ng mga kawani ng gobyerno at ang interes ng publiko.
Sa kanyang pambungad na mensahe, tinanggap ni NEUST President Dr. Rhodora Jugo ang mga kalahok mula sa ibaβt ibang ahensya ng gobyerno at binigyang-diin ang kahalagahan ng patuloy na pagkatuto sa paglilingkod-bayan:
βIt is an honor and privilege for me to welcome you for your participation in the 2025 Revised Rules on Administrative Cases in the Civil Service, and we need to preserve justice, fairness, and responsibility through good administration that is lawful, right, and accountable,β aniya.
Kasunod nito, nagbigay rin ng mensahe si Dr. Eleanor Prado na tumutok sa kahalagahan ng pag-unawa sa administrative cases upang mapanatili ang disiplina at katarungan sa serbisyo publiko:
βBy understanding administrative proceedings, we can ensure that every action and decision is in accordance with the law, can be questioned, and can be investigated, and the lessons from this practice will guide our professional activities,β ani Dr. Prado.
Bilang pangunahing tagapagsalita, tinalakay ni CSC Assistant Commissioner Atty. Ariel Ronquillo ang mahahalagang probisyon ng 2025 RACCS bilang gabay sa pagpapanatili ng integridad ng bawat lingkod-bayan, mula sa pagproseso ng mga kasong administratibo at due process sa mga pagdinig hanggang sa pagpapatupad ng desisyon, kabilang ang iba pang mga legal na hakbang at probisyon.
Ang nasabing aktibidad ay pinangasiwaan ni Jenna Kristel Illustre, NEUST Human Resource Management Officer III at Vice President ng NGAs, SUCs, at GOCCs sa NECPO.
Dinaluhan ito ng mga kinatawan mula sa ibaβt ibang ahensya ng gobyerno kabilang ang LGU, SUC, at iba pang institusyon.
#NEUSTGLOBAL
#SDG4QualityEducation
#SDG16PeaceJusticeStrongInstitutions
#SDG17PartnershipfortheGoals