Dalawang mag-aaral ng CMBT, kinatawan ang NEUST sa mga International Sustainability Camp sa Asya

Pinalawak ng dalawang mag-aaral sa ika-apat na taon mula sa College of Management and Business Technology (CMBT) ang kanilang karanasan pang-akademiko at pangkultura sa pamamagitan ng kanilang pakikilahok sa University Mobility in Asia and the Pacific (UMAP) Discovery Camps sa Timog-Silangang Asya ngayong Agosto.

Si Vinx Angelo Maquidato, isang mag-aaral ng Bachelor of Science in Hospitality Management (BSHM), ay sumabak sa dalawang-linggong Summer Space Indonesia 2025 immersive camp sa Semarang mula Agosto 3 hanggang 16 na inorganisa ng Universitas Sultan Islam Agung (UNISSULA) at ng Universitas Semarang (USM) upang tipunin ang mga mag-aaral mula sa iba’t ibang disiplina at bansa para bumuo ng mga solusyon sa mga hamong panlokal na naaayon sa UN Sustainable Development Goals (SDGs).

Pinagsama ng programa ang pakikipagtulungan pang-akademiko at palitan ng kultura, na nagbigay-daan sa mga kalahok na direktang matuto sa mga fakulti ng unibersidad at mga kaagapay ng komunidad, habang inaarok ang mayamang pamana at mga tanawin ng Indonesia.

Ginawaran si Maquidato ng Most Favorite Participant Award dahil sa kanyang pambihirang pagkalahok at ambag sa nagwaging presentasyon ng kanyang grupo na nakatuon sa SDG 3 (Good Health and Well-being).

Kasabay nito, si Krischelle Sarmiento, isang mag-aaral ng Bachelor of Science in Tourism Management (BSTM), ay dumalo sa Vietnam Summer Camp na inorganisa ng FPT University sa Da Nang mula Agosto 17 hanggang 26, isang okasyon na nagtipon ng mga mag-aaral mula sa mga institusyong miyembro ng UMAP sa buong mundo.

Nakasentro ang programa ni Sarmiento sa mga temang Sustainable Development Goals at Design Thinking, na nagtampok ng mga aktwal na gawain sa eco-tourism, sustainable agriculture, at mga proyektong pangkabuhayan, kasabay ng mga sesyon na nakalaan para sa kamalayang pangkultura at bilang suporta sa pagdiriwang ng ASEAN, ay nag-host din ito ng Summer Interfest 2025 ng FPT University.

Ang mga immersive na karanasang ito ay nagsilbing plataporma para sa mga mag-aaral ng CMBT upang pagdugtungin ang mga pandaigdigang balangkas at lokal na karunungan, na nagsusulong ng makabuluhang paglago pang-akademiko, pang-unawa sa iba’t ibang kultura, at isang mas inklusibong pandaigdigang pananaw sa kani-kanilang mga larangan.

#NEUSTGLOBAL #NEUSTCMBT #UMAPDiscoveryCamp #SDG4QualityEducation #SDG17PartneshipsForTheGoals