Upang mapalakas ang kaalaman ng mga kabataang lider at SK officials sa bayan ng Rizal, Nueva Ecija hinggil sa tamang pangangasiwa ng digital footprint at cybersecurity, nagsagawa ng pagsasanay ang Local Youth Development Office (LYDO) katuwang ang Nueva Ecija University of Science and Technology (NEUST) Community Learning Resource Center (CLRC) noong Agosto 20, 2025, sa Bulwagan ng Kabataan, New Government Center, Brgy. Del Pilar.Β 

Sa ilalim ng temang β€œSK Cyber Guardians: Building Resilient Digital Communities,” layunin ng programa na linangin ang kakayahan ng kabataan tungo sa mas ligtas at responsableng paggamit ng teknolohiya.Β 

Ayon kay Ruth Ann Santos, Pinuno ng NEUST-CLRC, mahalagang mabigyan ng sapat na kaalaman ang mga kabataang lider hinggil sa mga panganib at oportunidad sa digital na mundo.Β 

β€œAng mga SK official at youth leader ay may mahalagang papel sa paggabay sa kanilang komunidad. Sa pamamagitan ng pagsasanay na ito, inaasahan naming mas lalo silang maging gabay at proteksiyon laban sa mga banta sa internet na maaaring makaapekto sa kanilang kapwa kabataan,” aniya.Β 

Namuno sa workshop ang dalawang guro mula sa NEUST College of Information and Communications Technology (CICT) na sina Prof. Alexander Cochanco, na nagbahagi ng mahahalagang kaalaman hinggil sa cybersecurity, at Dr. Norman Cris Olipas, na tinalakay naman ang kahalagahan ng digital footprint.Β 

Kasama rin sa aktibidad sina Joana Marie Tolentino at Rose Anne Cochanco na nagsilbing facilitator ng mga workshop.Β 

Kinilala ng lokal na pamahalaan ng Rizal ang NEUST sa pamamagitan ng paggawad ng plake ng pagkilala bilang ambag sa pagpapalawak ng digital literacy para sa kabataan.Β 

Dumalo rin si Department of Information and Communications Technology (DICT) Provincial Coordinator Jason Cunanan upang ipakita ang suporta ng kanilang ahensya sa ganitong inisyatiba.Β 

Ang aktibidad ay bahagi ng selebrasyon ng Bayan ng Rizal para sa pagdiriwang ng Buwan ng Kabataan.Β 

Ang pakikibahagi ng NEUST sa gawaing ito ay patunay ng patuloy nitong pagtugon sa pangangailangan ng komunidad tungo sa mas ligtas at responsableng paggamit ng teknolohiya.

 

#NEUSTGLOBAL #NEUSTCLRC #NEUSTCICT #NEUSTTrainingdepartment #RizalLYDO #cyberguardians #SDG4Qualityeducation #SDG17Partnershipforthegoals

 

πŸ“Έ Ruth Ann Garcia Santos