β€œThis is a part of progress, and this is a part of the evolution of technology that we have to learn also.”

Ito ang naging mensahe ni Dr. Feliciana Jacoba, Vice President for Academic Affairs ng Nueva Ecija University of Science and Technology (NEUST), kaugnay ng pagtanggap ng pamantasan ng mga makabagong kagamitang teknolohiya mula sa CommScope Holding Company, Inc. noong Agosto 27, 2025.

Ayon kay Dr. Jacoba, mahalaga para sa NEUST na matuto at makinabang sa mga makabagong kagamitan upang makasabay sa patuloy na pag-unlad ng teknolohiya.

Kabilang sa mga kagamitang ibinigay ng CommScope ay ilang piraso ng Cat6 4-pair Copper UTP Cables, RJ45 Patch Panel, Modular Jacks, at Faceplate Kits.

Kasabay ng turnover ng mga kagamitan, isinagawa ang isang Training of Trainers program na nilahukan ng mga piling kawani at guro mula sa Management Information System (MIS), College of Information and Communications Technology (CICT), at College of Industrial Technology (CIT), na inaasahang mangangasiwa at gagamit ng mga kagamitang ipinagkaloob.

Pinangunahan ang pagsasanay ng mga kinatawan mula sa CommScope na sina Louie Gatchalian at Paul Denmark Villaplaza, kasama ang mga alumnus mula sa CICT na sina Darwin Salonga at Richard Baydid.

Tinalakay nila ang mga paksa hinggil sa cabling infrastructure at fiber solutions, mga pamantayan at best practices sa disenyo at instalasyon, gayundin ang pagpapakilala sa mga makabagong produkto at solusyon na ginagamit sa industriya ng impormasyon at komunikasyon.

Bahagi rin ng aktibidad ang hands-on training kung saan ginamit ng mga kalahok ang Fiber Fusion Machine.

Ayon kay Dr. Marilou Pascual, Training Department Director ng NEUST, mahalaga ang mga ganitong uri ng pagsasanay upang mapalawak ang kaalaman at kasanayan ng mga guro at kawani sa paggamit ng makabagong teknolohiya.

β€œOur stakeholders play an important role in this endeavor, and we are here precisely to ensure that all of these efforts redound to the benefit of our students,” aniya.

Samantala, binigyang-diin ni Louie Gatchalian, Country Manager ng CommScope, ang layunin ng kanilang kumpanya na makipagtulungan sa NEUST upang higit pang masuportahan ang edukasyon sa pamamagitan ng pagbibigay ng de-kalidad na kagamitan at kaalaman sa larangan ng teknolohiya.

Kabilang sa mga dumalo sa turnover ceremony ang ilang kinatawan mula sa NEUST na sina Dr. Jean Guillasper, Vice President for Research, Extension, and Training; Dr. Marlon Torres, MIS Director; at Dr. Arnold Dela Cruz, CICT Dean.

Nakatakda namang pormal na lagdaan ang kasunduan sa pagitan ng NEUST at CommScope sa mga darating na buwan, bilang pagpapatibay ng kanilang ugnayan tungo sa mas makabagong edukasyong teknolohikal para sa mga mag-aaral ng unibersidad.

#NEUSTGLOBAL
#CommScopePartnership
#SDG4QualityEducation
#SDG9IndustryInnovationAndInfrastructure
#SDG17PartnershipsForTheGoals