Bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa, nagsagawa ng programa ang NEUST Institute of Linguistics and Literature (IOLL), katuwang ang Literary, Culture, and the Arts Development Center (LCADC) at Sentro ng Wika at Kultura noong Agosto 27–28, 2025, sa NEUST Sumacab Campus.

Sa temang β€œPaglinang sa Filipino at Katutubong Wika: Makasaysayan sa Pagkakaisa ng Bansa,” isinagawa ang iba’t ibang patimpalak, seminar, at presentasyon na may layuning balikan, linangin, at pagyamanin ang kahalagahan ng wikang Filipino at mga katutubong wika sa konteksto ng kasaysayan, sining, at pambansang pagkakakilanlan.

Sa unang araw, tampok ang Timpalak Literari-Sining na nagbigay-daan sa pagpapamalas ng talento ng mga mag-aaral sa pagkukuwento, pagsulat ng sanaysay, spoken poetry, pagpinta sa canvas, at vocal solo (kundiman).

Sa Pagkukuwento, itinanghal si Joy Gaitan mula Sumacab bilang kampeon, sinundan nina Daniela Marie Fernandez mula Atate, Claire Gabriella Calayag mula Papaya Off-Campus, at Arlyn Perez mula San Isidro.

Sa Spoken Poetry, nagwagi si Kyanna Ryssa Montemayor mula Talavera Off-Campus, habang pumangalawa si Ma. Denzel Abulan mula San Isidro, pangatlo si Zamanth Dea Fernandez mula Atate, at pang-apat si Jociel De Jesus mula Sumacab.

Para naman sa Vocal Solo (Kundiman), nasungkit ni Edrielyn Reyes mula San Isidro ang unang puwesto. Sinundan siya nina David Ether Dela Cruz mula Sumacab, Francis Jerielle Magno mula General Tinio, at Jhan Dave Dela Cruz mula Papaya Off-Campus.

Sa Pagpinta sa Canvas, nagwagi si Enjielanne Alcaraz mula Sumacab bilang kampeon. Pangalawa si Anica Rhian Aquino mula General Tinio, pangatlo si Anjell Eric Emata, at pang-apat si Cedrick Sornito, kapwa mula rin sa Sumacab at General Tinio campus.

Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ni Dr. Rhodora Jugo, Pangulo ng NEUST, na β€œang pagpapalaganap at pagyabong ng Filipino at mga katutubong wika ay hindi lamang pagbabalik-tanaw, kundi makasaysayang hakbang tungo sa mas matatag na bukas.”

Dagdag pa niya, ang pagmamahal sa wika ay dapat na isinasabuhay araw-araw β€” sa klase, pananaliksik, malikhaing akda, at pang-araw-araw na ugnayan.

Sa ikalawang araw ng pagdiriwang, itinampok ang Tertulyang Pangwika, kung saan naging panauhing tagapagsalita si Prof. Mary Jane Rodriguez-Tatel, Kawaksing Propesor VI mula sa Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas ng Kolehiyo ng Arte at Literatura, UP Diliman.

Tinalakay ni Prof. Tatel ang kahalagahan ng mga katutubong wika batay sa kanyang mga taon ng pananaliksik.

Ibinahagi niya ang yaman at pagkakaiba-iba ng wikang Filipino, at ang mahalagang papel ng mga katutubo sa pagpapanatili ng kalikasan at kulturang Pilipino; at pinaunlakan ang mga tanong mula sa mga mag-aaral na layong higit pang linangin ang kanilang pag-unawa at pagpapahalaga sa wikang pambansa.

Pinasalamatan naman ni Dr. Feliciana Jacoba, NEUST Vice President for Academic Affairs, ang lahat ng lumahok at nag-organisa ng selebrasyon at hinimok ang komunidad ng NEUST na patuloy na pahalagahan ang sariling wika at kultura.

β€œIpagmalaki natin na tayo ay Pilipino, na tayo ay mga taga-NEUST, nagmamahal, nagpapahalaga sa wikang pambansa at sa kulturang Pilipino,” saad ni Dr. Jacoba.

#NEUSTGlobal
#SDG4QualityEducation
#SDG11SustainableCitiesandCommunities
#SDG16PeaceJusticeandStrongInstitutions