100% passing rate, naitala ng NEUST sa August 2025 Master Electricians Licensure Exam
Dalawang inhinyero mula sa Nueva Ecija University of Science and Technology (NEUST) ang matagumpay na pumasa sa August 2025 Master Electricians Licensure Examination, dahilan upang makapagtala ang Pamantasan ng 100% institutional passing rate batay sa inilabas na resulta ng Professional Regulation Commission (PRC).
Nakamit ng NEUST ang 100% passing rate, na mas mataas kumpara sa 70.02% national passing rate.
Kabilang sa mga bagong Registered Master Electricians mula sa Pamantasan sina:
-Joselito Miemban Areglo
-Maarni Agustin Areglo
Ipinapakita ng resultang ito na ang mga produkto ng NEUST ay handa at may sapat na kaalaman upang makipagsabayan sa kanilang propesyon, kaakibat ng patuloy na paghubog ng Pamantasan ng mga mag-aaral tungo sa dekalidad na edukasyon at propesyonalismo.
#NEUSTGLOBAL
#NEUSTCOE
#SDG4QualityEducation #SDG8DecentWorkAndEconomicGrowth #SDG9IndustryInnovationAndInfrastructure