NEUST Gabaldon Campus, nagdiwang ng ASEAN Connect tungo sa pagkakaisa at pagpapanatili

Inilunsad ng Nueva Ecija University of Science and Technology – Gabaldon Campus (NEUST GC) ang “ASEAN Connect” na may temang “Wearing Sustainability and Inclusivity for a Future-Ready Southeast Asia” noong Agosto 28, 2025, sa Open Gymnasium ng kampus.

Layunin ng programa na pagtibayin ang diwa ng pagkakaisa, pagpapanatili, at inklusyon sa rehiyon, na dinaluhan ng mga mag-aaral mula sa iba’t ibang kolehiyo kung saan bawat departamento ay nagtanghal at kumatawan sa isang bansa sa ASEAN: ang College of Agriculture (COAgri) para sa Indonesia; Teacher Education Program para sa Thailand; Information Technology Program para sa Cambodia; at Hospitality Management para sa Malaysia.

Nanguna sa pag-organisa ang Internationalization Focal Person ng NEUST GC na si Dr. Rosalie Pineda, sa pakikipagtulungan ng Lexicon Society at ng Direktor ng Kampus na si Dr. Franklin Dumayas.

Binuksan ang programa sa pamamagitan ng pambungad na mensahe ni Dr. Marites Dumayas, koordinator ng Institute of Linguistics and Literature (IOLL), na nagpapahayag ng “One Nation, One Identity, One Community.”

Binigyang-diin ni Dr. Rosalie Pineda na isa sa mga pangunahing layunin ng aktibidad ay ang “pagkilala na tayo ay bahagi ng isang mas malaking komunidad.”

Giit naman ni Dr. Franklin Dumayas, “Ating gamitin ang teknolohiya upang mas mapaunlad at malinang ang karunungan at ang pagiging inobatibo ng bawat indibidwal,” aniya, habang ibinida ang pagiging miyembro ng NEUST sa ASEAN University Network.

Naging tampok din sa programa ang iba’t ibang patimpalak, kabilang ang ASEAN Country Booths, ASEAN Style Challenge, On-the-Spot Photography, Digital Poster Making, ASEAN Quiz Bowl, Bulletin Board Competition, at ASEAN Passport challenge kung saan nagkamit ng mga sertipiko ng pagkilala at iba pang papremyo ang mga nagwagi at kalahok.

Tinapos ang pagdiriwang sa pamamagitan ng isang pananalita ni Prof. Adiza Dela Cruz, Dekana ng Kolehiyo ng Agrikultura, na naghambing sa pagkakaisa ng ASEAN sa isang sinulid na nagbubuklod sa Pilipinas at buong Timog-Silangang Asya tungo sa kapayapaan at kaunlaran.

#NEUSTGLOBAL #NEUSTGabaldonCampus #ASEANConnect #SDG4QualityEducation #SDG11SustainableCitiesAndCommunities #SDG16PeaceJusticeAndStrongInstitutions #SDG17PartnershipsForTheGoals