STUDENT PORTAL (ONLINE GRADES)
This is applicable for NEUST Sumacab and Gen Tinio St. Campuses Only


PAALALA!
 We are strictly implementing one account per one user.
Kung kayo po ay nakapag VIEW na ng GRADES dati ay huwag na po kayo mag-Register ng Bago. 🙂

Ang active email po na sumasagot sa mga concerns tungkol sa portal ay ito lamang. (neustmis.portal@gmail.com).

Kung mag e-email po kayo ay huwag po sana paulit ulit, para po hindi mag ulit ulit ang reset ng account.


TANONG 1: Nag-register po ako, pero wala pong verification link na binigay sa email ko. Ano ang dapat kong gawin?

SAGOT: E-mail nalang kayo sa neustmis.portal@gmail.com
ilagay ang mga sumusunod:

SUBJECT: VALIDATE ACCOUNT
MESSAGE:
                Username:  (ginamit sa pag-register)
                Email Address: (ginamit sa pag-register)


TANONG 2: Ganito po ang sinasabi kapag nag-activate ng account “Oops Sorry! You may have a problem on your details… Kindly check your information and try again :(“. Ano ang dapat kong gawin?

SAGOT 1: Siguraduhing tama ang STUDENT NUMBER (2019XXXXXX) at Date of Birth Format (mm/dd/yyyy). Ex. 05/08/2000.
                    Hindi 05/08/00, hindi 5/8/20, hindi May 8, 2000.
SAGOT 2: Kung ayaw parin talaga, E-mail nalang kayo sa neustmis.portal@gmail.com
ilagay ang mga sumusunod:

SUBJECT: DETAILS PROBLEM
MESSAGE:
                Student Number:
                Full name:
                Date of Birth:


TANONG 3: Ganito po ang sinasabi kapag nag-activate ng account “Oops Sorry! Your Data for Activation is already in used. :(“. Ano ang dapat kong gawin?

SAGOT: Isang activated account lang ang pwede. E-mail nalang kayo sa neustmis.portal@gmail.com
ilagay ang mga sumusunod:

SUBJECT: ACTIVATION ALREADY IN USED
MESSAGE:
                Student Number:
                Full name:
                Date of Birth:


TANONG 4:  INVALID  USERNAME OR PASSWORD daw po, Nakalimutan ko yung Username/Email Address/Password na ginamit ko.

SAGOT 1: CLICK FORGOT PASSWORD, kailangan po alam ninyo yung e-mail na ginamit niyo at legit, yung nabubuksan. Yun kasi ang gagamitin pang recover ng account niyo At mag bibigay ng panibagong password sa e-mail nyo. Buksan ang e-mail at i-check.

SAGOT 2: Kung walang natanggap na bagong password sa email. E-mail nalang kayo sa neustmis.portal@gmail.com
ilagay ang mga sumusunod:

Siguraduhin lamang po na IKAW MISMO YUNG NAG-EMAIL, hindi ka nagpaemail sa iba.

SUBJECT: FORGOT ACCOUNT
MESSAGE:
                Student Number:
                Full name:
                Date of Birth:


TANONG 5: Sa tuwing magla-LOG IN ako, Bumabalik sa Login Page o Login Account ulit.

SAGOT 1: Kung MOBILE/SMART PHONE ang gamit mo. CLEAR CACHE mo ang iyong browser.

SAGOT 2: Kung ayaw parin, Gamit kayo ng ibang device or PC.


TANONG 6: Printable po ba ang GRADES sa Portal?

SAGOT: Yes, Printable po ang grades. PAALALA! Siguraduhin na walang PAGBABAGO, PANDARAYA, PAGBAWAS o PAGDAGDAG sa kahit na anong NAKALAGAY sa PRINTABLE GRADES. Ang sinuman ang lumabag maaring kasuhan under possible criminal liability under the Revised Penal Code and other pertinent LAWS.


TANONG 7: Sa San Isidro Campus/Gabaldon Campus,/Atate Campus/Fort Magsaysay Campus/Talavera Campus/San Leonardo Campus/San Antonio Campus/Peñaranda Campus/General Tinio Papaya Campus/Carranglan Campus po ako nag aaral. Maka-access po ba kami sa portal?

SAGOT:  Hindi po, Available lamang ang Student Portal sa General Tinio Street Campus at Sumacab Campus sa ngayon.


TANONG 8: Webpage Not Available po. Pano po kami maka-Access?

SAGOT: Hintayin muli mag open. Refresh/Reload lang po 😊


Sa mga iba pa ninyong concern about sa STUDENT PORTAL

E-mail nalang po kayo sa neustmis.portal@gmail.com