Umaabot na umano sa 495 frontliners ang napagsilbihan ng NEUST Quarantine Facility sa Sumacab, Cabanatuan City.Base sa ulat ni PDRRMO chief Michael Calma sa NE Inter-Agency Task Force sa pamumuno ni Governor Aurelio Umali, napag-alaman na unang ginamit ang quarantine facility ng NEUST noong April 22, 2020.Minarkahan ang isang taong pagpapagamit nito para sa mga tinaguriang frontliners. Palagi namang dinidisinfect ng PDRRMO ang quarantine facility ng NEUST upang matiyak na malinis ito laban sa nasabing virus.