Ngayong ika-8 araw ng Agosto ang huling parte ng isinasagawang rebyu para sa mga kawani ng NEUST na sasailalim sa Civil Service Examination (CSE) sa darating na ika-10 ng Agosto, araw ng Linggo.

Ang naturang rebyu na sinimulan nitong Miyerkules, Agosto 6, ay programa ng Non-Teaching Personnel Association, Inc. (NTPAI) upang magbigay gabay sa mga kawaning magsisikuha ng eksaminasyon.

Bahagi ng programa ang pagtalakay sa mga paksang sakop ng pagsusulit kabilang ang General Information at Republic Act 6713 na ipinaliwanag ni Atty. Bembol Castillo, NEUST Vice President for Administration, Business and Finance; at Numerical Ability na binigyang-linaw nina Engr. Allan Abenoja, Jr., Infrastructure and Development Office Director, at Engr. Mark Anthony Aruta, Instructor I mula sa College of Engineering.

Dagdag dito ang mga paksang tumatalakay sa Verbal and Analytical Ability na pinangunahan naman ng mga kawani sa ilalim ng Institute of Language and Literature (IOLL) ng Pamantasan na sina Joanna Joy Batungbakal, Dr. Nikko Domingo, Roberto Salvador, at Danielle Larizze Gallardo.

Isang panalangin ng pasasalamat at gabay naman ang pangungunahan ni Dr. Elenita Paet, Direktor ng Moral Recovery and Spiritual Uplift Program, bago matapos ang programa.

Sa kanyang panayam, sinabi ni Jomarie Manalus, ang Pangulo ng NTPAI, na ang programang ito ay isa lamang sa mga hakbang na ginagawa ng asosasyon upang mapalakas ang kapasidad at kumpiyansa ng mga kawani tungo sa propesyonal na pag-unlad.

β€œHangad ng aming samahan na mas mailapit sa tagumpay ang bawat kawani ng NEUST sa pamamagitan ng konkretong suporta gaya ng libreng review sessions,” saad niya.

#NEUSTGLOBAL
#NEUSTNTPAI
#SDG8DecentWorkAndEconomicGrowth
#SDG10ReducedInequalities
#SDG16PeaceJusticeAndStrongInstitutions