Pormal na nilagdaan ng Nueva Ecija University of Science and Technology (NEUST) at Top Link Global College, Inc. (TLGC) noong Agosto 3, 2026 ang isang Memorandum of Agreement (MOA) na magbibigay sa mga kuwalipikadong mag-aaral ng malinaw na landas mula sa mga programang diploma patungo sa mga programang batsilyer ng Pamantasan.
Isinagawa ang paglagda sa University Presidentβs Conference Room ng NEUST Gen. Tinio St. Campus bilang bahagi ng patuloy na pagpapalakas ng ugnayang akademiko at pagpapalawak ng oportunidad sa mas de-kalidad na mataas na edukasyon.
Sa ilalim ng kasunduan, ihahanay ang mga piling diploma program na nasa ilalim ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) sa mga kaugnay na undergraduate program ng NEUST upang mapagtugma ang mga kurikulum at mapadali ang pagkilala at paglilipat ng mga kaukulang akademikong kredito.
Kabilang sa mga programang saklaw ng kasunduan ang Diploma in Hotel and Restaurant Management Technology, Diploma in Hospitality Services Technology, Diploma in Information Technology, at Diploma in Electronics and Computer Technology, na nakahanay sa Level 5 ng Philippine Qualifications Framework (PQF).
Layunin ng mga programang ito na ihanda ang mga nagtapos para sa trabaho, pagnenegosyo, at pagpapatuloy ng kanilang pag-aaral sa antas ng batsilyer.Β
Bilang bahagi ng implementasyon ng kasunduan, magtatatag ang dalawang institusyon ng isang Joint Working Group at Steering Committee na mangangasiwa sa koordinasyon, pagsubaybay, at ebalwasyon ng pagpapatupad ng kasunduan.
Maaari ring magbigay ang NEUST ng teknikal at akademikong gabay, kabilang ang tulong mula sa mga guro kung kinakailangan, alinsunod sa mga umiiral na patakaran at kakayahan ng Pamantasan.
Samantala, tungkulin naman ng TLGC na tiyaking nakaayon ang mga kurikulum nito sa mga pamantayan ng NEUST, ipabatid sa mga mag-aaral ang mga alituntunin sa pagpasok, at mapadali ang pagsusumite ng kanilang mga akademikong rekord para sa ebalwasyon.
Binigyang-diin ni NEUST President Dr. Rhodora Jugo na magbubukas ang kasunduan ng mas maraming oportunidad para sa mga mag-aaral na nagnanais na ipagpatuloy ang kanilang pag-aaral.
βIsa itong malaking oportunidad para sa ating dalawang institusyon, sapagkat iisa ang ating layunin β ang makatulong sa mamamayan,β ani Dr. Jugo.
Ayon naman kay TLGC President Mary Ann Fajardo, mahalagang hakbang ang kasunduan sa layunin ng kanilang institusyon na makapag-ambag sa paghubog ng kabataan at pagpapaunlad ng komunidad.
βAng partnership na ito ay higit pa sa isang dokumento at isang mahalagang hakbang para sa TLGC,β pahayag ni Fajardo.
Dumalo sa ceremonial signing mula sa NEUST sina Vice President for Academic Affairs Dr. Feliciana Jacoba; Director of Curriculum Development and Evaluation Dr. Angelo Santos; College of Management and Business Technology Dean Dr. Sarah Alvarez; College of Information and Communications Technology Dean Dr. Ronald Santos; College of Industrial Technology Dean Dr. Marcelo Bulalayao; Dr. Ruth Luciano, at Dr. Citadel Punzal.
Kumatawan naman sa TLGC sina President Mary Ann Fajardo, Vice President Rodelio Fajardo, School Director Aniceto Ureta, Mr. Mark Anthony Medina, at Ms. Jessica Eser.
Sa pamamagitan ng kasunduang ito, inaasahang magkakaroon ng mas sistematiko at mas maayos na mekanismo para sa paghahanay ng mga kurikulum at pagkilala sa mga kredito ng mga mag-aaral, habang patuloy na pinananatili ng NEUST ang mataas nitong pamantayan sa pagtanggap at pagtatapos ng mga mag-aaral sa mga programang batsilyer.
#NEUSTGLOBAL
#NEUSTxToplinkglobal
#NEUSTCurriculumdevelopment
#SDG4QualityEducation
#SDG17Partnershipsforthegoals









