Malugod na tinanggap ng Nueva Ecija University of Science and Technology (NEUST) ang mga delegado mula sa Sunchon National University (SCNU) ng South Korea sa pagbubukas ng pitong-araw na intercultural volunteer program sa pamamagitan ng isinagawang seremonya ng pagbubukas ngayong Agosto 12, 2026, sa Mini Convention Center ng NEUST Sumacab Campus.

Ang programa ay nagsisilbing kauna-unahang serye ng mga aktibidad sa pagitan ng NEUST at SCNU mula nang nilagdaan ng dalawang institusyon ang Memorandum of Understanding (MOU) noong Disyembre 2025, na naglalayong higit pang palakasin ang ugnayan at kooperasyon ng dalawang pamantasan.

Sa kanyang pambungad na mensahe, binigyang-diin ni Vice President for Academic Affairs Engr. Feliciana Jacoba, EdD, ang kahalagahan ng mga internasyonal na ugnayan at cultural exchange sa pagbibigay ng mas malawak na pagkakataon para sa pagkatuto at pakikipag-ugnayan ng mga mag-aaral.

β€œThe experience that you will have in the University, we are hoping that it will add to your meaningful stay in the Philippines, so as with our faculty members,” saad niya.

Samantala, ibinahagi ni Atty. Eric Claudio, Director ng Office of International Affairs, ang layunin ng programa at ang kahalagahan ng pagpapalakas ng ugnayan sa pagitan ng NEUST at SCNU sa pamamagitan ng mga makabuluhang gawaing pangkultura, bolunterismo, at pakikipagpalitan ng kaalaman.

β€œI hope and pray that this is only the start of a continuing partnership with your institution and our institution to last forever because the partnership [and] the friendship that we will be having is not only for this time, but for the future or generations to come, both of NEUST and SCNU constituents,” saad ni Atty. Claudio.

Nagbigay rin ng kanyang mensahe ang Pangulo ng Pamantasan, Dr. Rhodora Jugo, kung saan binigyang-diin niya ang kahalagahan ng mga internasyonal na partnership sa pagbubukas ng mas maraming oportunidad para sa pagkatuto, cultural understanding, at pakikipagtulungan ng mga mag-aaral at institusyong pang-akademiko.

β€œYou [SCNU] bring your culture, your experiences, and above all, the partnership we hope will grow and last for many years. We value all of this because we believe that meaningful collaboration begins when we come together with a genuine desire to create opportunities that benefit our universities,” saad ng Pangulo.

Kasunod ng mga mensahe mula sa mga lider ng Pamantasan ang pagpapakilala sa mga delegado ng SCNU na pinangunahan ni Mr. Dominador Dizon Jr., Philippine Coordinator ng Office of International Affairs ng SCNU.

Bilang isang Novo Ecijano na kumakatawan sa Pilipinas sa pakikipag-ugnayan sa South Korea, inilahad din ni G. Dizon ang kanyang pagnanais na higit pang mapatatag ang ugnayan at mailapit ang Unibersidad sa mga institusyon sa South Korea.

Nagbahagi rin ng kanilang mensahe ang mga miyembro ng volunteer delegation na sina Mr. Kim Taewook, Ms. Jeon Hyerin, at Mr. Chan Ung Choi, mga miyembro ng Overseas Volunteer Program.

β€œThank you so much for warmly welcoming our university and giving us this meaningful opportunity. We hope to make wonderful memories together and build a long-lasting relationship between our two universities,” sambit ni Hyerin.

Sa kabuuan ng pitong-araw na programa, lalahok ang mga delegado ng SCNU sa iba’t ibang gawaing boluntaryo, cultural exchange, at academic activities kasama ang mga mag-aaral, faculty members, at mga katuwang na komunidad ng NEUST.

Kabilang sa mga nakatakdang aktibidad ang Korean class, science activity, at bracelet-making activity sa isang laboratory high school ngayong hapon; pagdalo sa University ASEAN Day Celebration at Filipino dance class at painting activity kasama ang mga mag-aaral ng College of Education bukas, Agosto 13; gayundin ang taekwondo demonstration, sports activity, K-pop dance activity, at exploratory meeting kasama ang SCNU at NEUST Student Affairs sa parehong araw.

Isasagawa rin sa Agosto 14 ang Korean class, science activity, at bracelet-making activity kasama ang mga mag-aaral ng COED, na susundan ng gardening activity sa Sto. NiΓ±o Elementary School, isang COED-adopted school.

Magtatapos ang programa sa pamamagitan ng tree-planting activity sa NEUST Gabaldon Campus sa Agosto 15.

Sa kanyang pangwakas na talumpati, binigyang-diin ni Dr. Jo Neil Peria, Dean ng College of Education, na higit sa mga aktibidad at lugar na kanilang mararanasan sa Pilipinas, ang mga ugnayang mabubuo at mga alaalang maiiwan ang siyang tunay na magiging bahagi ng kanilang karanasan sa NEUST.

β€œWhen you return to South Korea and look back on your time here at NEUST, you may not remember the activities you conducted or every place that you visited, but I hope you will remember the people you met, the smiles you shared, the conversations you had, the challenges you overcame, and the kindness and respect, the hospitality that they experience here at NEUST,” wika niya.

Sa pamamagitan ng intercultural volunteer program, layunin ng NEUST at SCNU na magbigay ng makabuluhang pagkakataon para sa cultural exchange, community engagement, volunteerism, at collaborative learning bilang bahagi ng patuloy na pagpapalakas ng internasyonal na ugnayan ng dalawang institusyon.

#NEUSTGLOBAL
#SDG4QualityEducation
#SDG10ReducedInequalities
#SDG11SustainableCitiesAndCommunities
#SDG17PartnershipsForTheGoals